Working hours sa mga hukuman, in-adjust dahil sa sobrang init ng panahon

Working hours sa mga hukuman, in-adjust dahil sa sobrang init ng panahon

SIMULA ngayong araw, Abril 5 ay ipinatupad na ng Korte Suprema ang pinaikling oras ng trabaho sa mga Korte o mga hukuman sa bansa.

Ito’y matapos na inatasan ng Office of Court Administrator ang lahat ng mga judges at mga court personnel na magkaroon ng adjustment sa kanilang working hours dahil sa sobrang init na panahon na nararanasan ngayon sa buong bansa.

Nakasaad sa memorandum na alas 7:30 ng umaga hanggang alas 4 na lang ng hapon ang magiging oras ng trabaho sa mga korte.

Ang mga magtra-trabaho naman ng weekend ay alas 7:30 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali lamang ang magiging oras ng trabaho.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble