MAGKAKAROON na ang Pinoy folk-pop band na Ben&Ben ng isang world tour na pinamagatang The Traveller Across Dimensions ngayong taon.
Batay sa anunsiyo, mag-uumpisa ito sa Mayo 24 sa Cebu at magtatapos sa Disyembre 14 sa Singapore.
Subalit maliban sa world tour na ito ay tutungo muna sa Abu Dhabi, United Arab Emirates ngayong April 26 ang Ben&Ben para sa gaganaping Off Limits Music Festival doon.
Kasama nila sa naturang festival sina Ed Sheeran, One Republic at marami pang iba.