INIUTOS ng Brazil Supreme Court na magbayad ng multang nagkakahalaga ng $1.4M ang social media platform na X.
Ito’y dahil sa hindi nila pagsunod sa mga utos ng hukuman kung saan tumanggi ang X na magbigay impormasyon hinggil sa profile ng isang Allan dos Santos, isang kaalyado ni dating Pangulong Jair Bolsonaro.
Si Dos Santos ay inaakusahan na nagpapakalat ng maling impormasyon.
Samantala, paliwanag naman ng X, hindi kinokolekta ng mga operator ang impormasyon ng isang user at wala rin umanong ‘teknikal na koneksyon’ ang gumagamit nito sa Brazil.
Hulyo 2024 pa nang ipinag-utos sa X at Meta na mai-block ang naturang account at magbigay ng impormasyon hinggil sa profile ngunit hindi nagawa.