1 BIFF nasawi sa engkuwentro sa Maguindanao del Sur

1 BIFF nasawi sa engkuwentro sa Maguindanao del Sur

HABANG nagsasagawa ng military operation ang Joint Task Force Central sa Butilen, Datu Salibo, Maguindanao del Sur naka-engkuwentro nito ang ilang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ang nasabing bakbakan ay nagtagal ng limang minuto na nagresulta sa pagkasawi ng isang miyembro ng naturang teroristang grupo.

Nakuha ng tropa ng pamahalaan ang isang caliber .45 pistol, mga magazine, at cellphone.

Kabilang din sa narekober ang ilang pampasabog na ginagamit ng BIFF.

Ayon sa militar na ang nasabing operasyon ay tugon nila sa sumbong ng mga residente patungkol sa presensiya ng mga teroristang grupo sa kanilang lugar.

Sa huli, nangako si Major General Alex S.  Rillera, commander ng 6th Infantry Division na matatapos ang banta ng terorismo sa kanilang nasasakupan sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police at ng lokal na pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble