APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang 10-year plan para mapaunlad ang maritime industry.
Batay sa Executive Order No. 55, kailangan ng Philippine MARINA ng isang panibagong sistema para sa pagpapatupad ng Maritime Industry Development Plan (MIDP) 2028.
Ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng maka-moderno at mas malawak na domestic at overseas shipping industry.
Kasama rin dito ang pagpapaunlad ng ship-building at repair industry, maritime workforce upskilling at pagkakaroon ng environment-friendly maritime practices.