Mga naglipanang bomb threat sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, hindi tatantanan ng PNP

Mga naglipanang bomb threat sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, hindi tatantanan ng PNP

SERYOSO at hindi tatantanan ng Philippine National Police (PNP) ang pagtunton sa kung sino ang nasa likod ng malisyosong e-mail na naglalaman ng bomb threat.

Ito’y makaraang bulabugin kahapon ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) gayundin ang ilang paaralan sa Balanga sa Bataan.

Ayon kay PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga counterpart mula sa iba’t ibang bansa para matunton ang taong nagtatago sa pangalang Takahiro Karsawa.

Giit ng PNP Chief, nabatid na ikatlong beses na nitong nambulabog sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at sinasabi ring nagsalita na ang mismong taong tinutukoy rito at sinasabing na-hack ang kaniyang e-mail account.

Bagaman nagnegatibo sa bomba ang mga nabanggit na institusyon at opisina, sinabi ni Acorda na hindi pa rin dapat magpaka-kampante lalo’t may nangyari nang pambobomba noong isang taon sa Mindanao State University sa Marawi City kung saan apat ang nasawi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble