11 OFW apektado ng sunog sa Kuwait—DMW

11 OFW apektado ng sunog sa Kuwait—DMW

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na 11 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang apektado sa nangyaring sunog sa isang residential building ng mga dayuhang manggagawa sa Kuwait noong Miyerkules.

Sa isang ulat na ipinadala kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, sinabi ng MWO-Kuwait na tatlo sa 11 ay ligtas at accounted habang tatlo pa ang nasa ospital kung saan dalawa sa mga ito ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantalang inaalam pa ang status ng lima pang Pinoy.

Sinabi naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nakatutok ang mga kawani nito sa Kuwait sa kalagayan ng tatlong Pilipinong nasa ospital upang agad na maibigay ang kinakailangang tulong ng mga biktima.

Nakausap na rin ng OWWA ang kaanak ng tatlong Pinoy sa Pilipinas upang tiyakin na mabibigay ang kanilang mga pangangailangan sa panahong ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble