PINALAYA na ng Turkey ang mahigit 120 katao na inaresto noong nagdaang buwan kaugnay ng malawakang anti-government protest sa kanilang bansa.
Karamihan sa mga naaresto noong Marso 24 at napalaya na nitong Abril 10 ay mga mag-aaral sa unibersidad at mga environmentalists.
Bunsod ito ng plano ng pamahalaan na magsagawa ng urban development sa ilang lugar sa bansa.
Nagbabala naman ang pamahalaan ng Turkey na magsasagawa ng mahigpit na surveillance laban sa mga susunod na protesta laban sa gobyerno.