14 na milyong tao sa Estados Unidos, makararanas ng pagbaha at matinding init

14 na milyong tao sa Estados Unidos, makararanas ng pagbaha at matinding init

LABING-apat na milyong tao sa Estados Unidos ang inaasahang makararanas ng matinding lagay ng panahon mula sa pagbaha hanggang matinding init.

Inaasahan ang matinding init sa West Coast, malalakas na kulog at kidlat mula Arizona hanggang Wyoming ngayong linggo.

Ang pagbaha ay dulot ng malakas na pag-ulan mula hapon hanggang gabi na may kasamang kulog at kidlat sa Arizona at sa mga estado ng Midwestern, maging sa Southwest, kabilang ang New Mexico at Texas.

Nagpapatuloy naman ang pagbaha sa Las Vegas, kung saan dalawang tao ang namatay noong nakaraang linggo at itinuturing ito na pinakamatinding tag-ulan sa lugar sa loob ng isang dekada.

Sa Texas naman, nagbabala ang National Hurricane Center na aabot sa 6 na pulgadang ulan ang maaaring bumuhos sa susunod na mga araw na pwedeng magdulot ng matinding pagbaha.

Samantala, nagbabanta rin ang matinding init ng panahon sa Central Valley ng California, kabilang ang Redding, Sacramento, Fresno, at Bakersfield.

Maaaring pumalo sa humigit 100 degrees fahrenheit ang temperatura sa California ngayong linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter