15 taong gulang na binatilyo, bumaril at pumaslang sa 5 tao sa North Carolina sa Amerika

15 taong gulang na binatilyo, bumaril at pumaslang sa 5 tao sa North Carolina sa Amerika

ISANG 15 taong gulang na binatilyo ang namaril at pumatay sa 5 tao sa North Carolina sa Amerika.

Kinilala ang suspek na si Austin Thompson.

Isa sa mga napaslang ni Thompson ay ang nakatatanda niyang kapatid na si James Thompson, 16-taong gulang, ang off-duty police officer na si Gabriel Torres, 29-taong gulang, Nicole Conners, 52-taong gulang, Mary Marshall, 35-taong gulang, at Susan Karnatz, 49-taong gulang.

Ang kanyang nakatatandang kapatid na kanyang pinatay na si James ay isang Junior student sa Knightdale High School.

Kung pormal na kakasuhan ng first-degree murder si Thompson, ang teenager na suspek ay ituturing na nasa hustong gulang sa criminal court, kahit na siya ay menor-de-edad pa.

Sinabi ng mga saksi na ang suspek ay nakasuot ng camouflage na damit, na may backpack at itim na bota.

Kalaunan ay nagbarikada siya sa isang malapit na damuhan, at natagpuan ng mga awtoridad na may tama ng baril sa kanyang ulo.

Ang binatilyong suspek ay nahuli ng pulisya pagkaraan ng 9:30 ng gabi kasunod ng matinding oras na paghahanap dito.

Ang karahasan sa baril na ito ay ang ika-25 mass killing ngayong 2022 kung saan ang mga biktima ay marahas na pinagbabaril, ayon sa The Associated Press.

Sinabi ng mga opisyal na nasa ospital pa ang suspek.

Ang mga pamilya naman ng mga biktima ay nag-set up ng GoFundMe bilang suporta sa mga gastusin sa libing.

Follow SMNI NEWS in Twitter