KANSELADO ang dalawang domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng masamang panahon.
Sa abiso ng MIAA Media Affairs Division Office, kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific Flight 5J 504/505 mula Manila patungong Tuguegarao.
Matatandaan kahapon, umabot sa 6 ang kanseladong flight sa NAIA bunsod ng Bagyong Obet.
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na agad makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking ng kanilang flight.