INTERESADO ang nasa 20 manufacturing firms mula Japan na magkaroon ng investment sa Pilipinas, ayon sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Sa isang pahayag, nakipagkita na ang naturang mga Japanese firm sa ilang opisyal ng PEZA hinggil dito.
Mapapansing katuwang na ng Pilipinas simula taong 1995 ang Japanese investors sa electronics, automotive, at industrial sector.
Mahigit 800 PEZA-registered Japanese firms na ang nasa Pilipinas na may kabuuang P589B na investments.
Naging susi rin ito para sa 300K na trabaho para sa mga Pilipino.
Follow SMNI News on Rumble