Trump, Putin at Xi Jinping, nagpulong na sa Shenzhen

Trump, Putin at Xi Jinping, nagpulong na sa Shenzhen

Nagpulong na nga sina Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin at US President Donald Trump sa Shenzhen, China, sa sidelines ng APEC Summit.

Bago ang trilateral summit, nagkaroon muna ng magkakahiwalay na pag-uusap sina Trump at Putin, at Trump at Xi.

Isa sa mga pangunahing usapin ang nuclear arms control, kasunod ng digmaan sa Ukraine, sitwasyon sa Iran, trade, at mas malawak na usaping pang-seguridad.

May inihain na draft joint statement ang Russia bilang posibleng outcome ng summit, at patuloy ang pag-uusap ng tatlong panig tungkol sa nilalaman nito.

Pero sa ngayon, hindi pa tiyak kung magkakaroon ng final na joint statement ang tatlong leader.

Kung magkakasundo, maaaring maging mahalagang resulta ito ng historic na pagpupulong—partikular sa nuclear arms control, Ukraine, at global security.

Follow SMNI NEWS in Twitter