3 officials sa South Korea, ‘detained’ na kaugnay sa pagdeklara ng Martial Law noong nakaraang linggo

3 officials sa South Korea, ‘detained’ na kaugnay sa pagdeklara ng Martial Law noong nakaraang linggo

‘DETAINED’ na sa kasalukuyan ang National Police Chief ng South Korea at ang top officer nila sa Seoul.

May kaugnayan ang kanilang detention sa panandaliang deklarasyon ng Martial Law noong nakaraang linggo.

Maliban sa dalawa ay inaresto na rin si Kim Yong Hyun, ang dating defense minister ni South Korean President Yoon Suk Yeol dahil sa mga alegasyon na may malaki itong papel sa posibleng pagsasagawa ng rebelyon at pang-aabuso ng kapangyarihan.

Sa kabilang banda, pinatawan na rin ng overseas travel ban ng South Korean justice ministry ang kanilang pangulo.

Depende pa sa imbestigasyon ay maaaring maipa-detain ang pangulo ayon sa justice ministry official.

Magugunitang idineklara ni South Korean Pres. Yoon ang Martial Law sa South Korea noong gabi ng Martes, Disyembre 3 hanggang madaling araw ng Disyembre 4, 2024.

Ito’y matapos inakusahan nito ang Democratic Party na nakikisimpatiya sa North Korea at pumapabor sa anti-state activities ng mga ito.

Agaran namang niresolba ng mga mambabatas ang sitwasyon kung kaya’t hindi nagtagal ang Martial Law.

Huling ipinatupad sa South Korea ang Martial Law noong taong 1980.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter