TUMANGGAP ng libreng COVID-19 vaccine ang 30,000 Pilipino sa Israel, kung saan hindi na isinaalang-alang ang estado ng mga ito sa imigrasyon.
Ito ay ayon sa embahada ng Israel sa Maynila.
Nakatanggap ng unang dosis ng Pfizer vaccine ang mga Filipino caregiver, 400 agriculture students, at mga tauhan ng Philippine Embassy sa Israel.
Binigyan din ang mga Pilipinong paso na ang kanilang permit ng libreng bakuna.
“As part of the successful vaccination program, Israel’s Ministry of Health (MOH) has vaccinated for free, anyone who is in Israel, regardless of their citizenship status or whether or not they have insurance,” ayon sa pahayag ng embahada.
Sinabi naman ni Israeli Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz, ang pagbibigay ng libreng COVID-19 vaccine ay bilang pagpapasalamat sa mga manggagawang Pilipino dahil sa kanilang mahalagang kontribusyon sa Israel.
(BASAHIN: Bansang Israel, nangangailangan ng 500 Filipino caregivers)