Suspendido ang anim na pulis mula Manila Police District matapos akusahan ng pangho-holdap sa isang hotel sa Makati City.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major Gen. Anthony Aberin, naaresto ang isang sergeant at limang baguhang pulis noong Miyerkules, Enero 28, 2026.
Sa salaysay ng biktima, sapilitang pinasok ng mga suspek ang kanyang kuwarto.
Tinutukan siya ng baril, pinahiga sa sahig, tinali ang kanyang mga kamay, at sapilitang kinuha ang kanyang mga gamit.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek.
