6th Asian Indoor and Martial Arts Games, iniurong sa November 2023

6th Asian Indoor and Martial Arts Games, iniurong sa November 2023

NAGKAROON ng bagong schedule ang 6th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG).

Sa bagong update, gaganapin ang AIMAG sa darating na November 17 hanggang 26, 2023.

Una ng itinakda ang schedule nito sa March 10 hanggang 19, 2022 subalit sinuspinde na muna ng Thailand, ang host country dahil sa pandemya.

Ayon naman kay Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino, isang “blessing in disguise” ito para sa mga pilipinong atleta.

Ito’y para mas mapaghandaan pa ng mga atleta ang mga naturang event.

Noong 2017, nakapag-uwi ang Pilipinas ng dalawang gold, labing apat na silver at labing apat rin na bronze medals mula sa AIMAG.

SMNI NEWS