BINABALANGKAS na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang house-to-house campaigns para sa election campaign sa 2022.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, posibleng payagan ang house-to-house na pagbisita ng mga politiko para mangampanya.
Nilinaw lang ng opisyal na hindi maaaring pumasok sa mga kabahayan ang mga kandidato.
Posible rin aniyang payagan ang pagsasagawa ng public meetings lalo na’t nasa Alert Level 03 na ang Metro Manila.
Hindi pa naman ito pinal na panuntunan, sinabi ni Densing na ito ang napag-usapan nila kasama ang mga eksperto.
