BAKUNADO na kontra COVID-19 ang mayorya ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, tinatayang nasa 75% na ng kanilang mga tauhan ang bakunado na laban sa sakit na COVID-19.
Karamihan aniya dito ay mga frontline workers na nakatalaga sa mga pantalan at paliparan.
Sinabi ni sandoval na target nilang mabakunahan ang lahat ng kanilang mga tauhan sa katapusan ng taon.
Karamihan aniya sa mga hindi pa nababakunahan ay naghihintay na lang ng iskedyul o hindi pa nakakatanggap ng clearance sa kanilang mg doktor.
Batay kay Sandoval, mahigit 300 BI personnel ang nagpositibo sa COVID-19.