Preliminary hearing sa cancellation ng COC laban kay Presidential aspirant BBM, umusad na

UMUSAD na ang preliminary hearing sa cancellation ng Certificate of Candidacy (COC) laban kay Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Itoy matapos simulan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ang pagdinig sa disqualification case laban sa kandidatura ng dating senador.

Sa isang virtual briefing, kinumpirma ni Comelec spokesperson James Jimenez na nagdesisyon ang 2nd division ng Comelec na hindi pa magtakda ng panahon para sa paghahain ng kanya kanyang memoranda ang magkabilang panig dahil sa kailangan munang maresolba ang mga pending incident.

Ang virtual preliminary hearing ay pinangunahan ni Presiding Comm Socorro Inting ng 2nd division.

Kabilang rito ang nakahain na motion to intervene at ang kahilingan o request para sa face to face oral argument.

Ani pa Jimenez kapag naresolba na ito ay saka pa lamang itatakda ang petsa ng paghahain ng  kanilang memoranda.

Sa unang bahagi ng preliminary hearing ay binigyan ng pagkakataon ang magkabilang panig sa nakalatag ng posisyon sa usapin.

Giit pa ni Jimenez  wala rin namang naging ammendments at stipulations.

Samantala tanging mga abugado ng magkabilang panig ang mga dumalo.

Hindi na rin aniya kailangang dumalo ni Marcos at ang naghain ng petisyon na si Christian Buenafe.

Ang disqualification case laban kay Marcos na inihain ni Bonifacio Ilagan ay binawi at muling inihain.

SMNI NEWS