8 OFWs na biktima ng ‘Golden Triangle’ syndicate, napauwi ng bansa

8 OFWs na biktima ng ‘Golden Triangle’ syndicate, napauwi ng bansa

NAKAUWI nang ligtas noong nakaraang linggo ang 8 OFWs na galing sa bansang Laos, sa tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Humingi ng tulong sa tanggapan ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang mga distressed OFWs na ito na biktima ng illegal recruitment.

Sila ay nakalusot palabas ng bansa diumano dahil sa kasabwat ng kanilang recruiter sa loob ng Bureau of Immigration.

Sila ay pinangakuan ng maayos na trabaho, malaking sahod, libreng pabahay at pagkain ngunit sila’y dinala sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia at pinasok bilang scammers sa mga negosyong pinapatakbo ng “Golden Triangle” syndicate.

Hindi rin nila nakuha ang kanilang sweldo at nagkaroon ng pagtangkang sila’y kuryentehin nang nahuling humingi ng tulong sa ating pamahalaan.

Bukod sa tulong sa repatriation, idinulog din ni Rep. Magsino sa MWD na mapabilang sila sa Reintegration Program ng pamahalaan ang mga nakauwi nating kababayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter