8 patay, sa massage parlor shootings sa Georgia; suspek, arestado

PATAY ang walo katao sa magkasunod na shootings sa mga massage parlor sa Georgia, U.S.A.

Apat katao ang nasawi sa dalawang spa sa northeast Atlanta habang apat din ang nasawi sa Cherokee County spa.

Lumitaw na apat sa mga biktima ay mga babaeng Asian.

Nagsimula ang krimen nitong Martes ng 5 p.m. sa Youngs Asian Massage Parlor sa Acworth, Atlanta kung saan apat ang nasawi sa lima kataong binaril.

Mga 5:50 p.m. sa Buckhead, Atlanta, tatlong babae ang nasawi sa pamamaril sa Gold Spa at habang nasa eksena ng krimen ang mga otoridad ay may binaril sa isa pang malapit na spa, Aromatherapy Spa, kung saan isang babae ang nasawi.

“It appears that they may be Asian,” ayon kay Atlanta Police Chief Rodney Bryant.

(BASAHIN: Mga Pilipino sa Amerika, pinayuhang mag-ingat mula sa mga pag-atake laban sa Asian-Americans)

Kinumpirma ng Foreign Ministry ng South Korea na apat sa mga biktima ay mga babaeng Korean habang patuloy namang inaalam ang pagkakilanlan ng iba pang biktima.

Nahuli ang suspek ng pamamaril na kinilalang si Robert Aaron Long ng Woodstock sa pamamagitan ng surveillance video na nakuha sa pinangyarihan ng krimen.

Naniniwala ang mga otoridad na iisa lamang ang suspek sa Atlanta at Cheerokee County massage parlor shootings sa estado ng Georgia.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.