PBA, inilabas na ang schedule ng Governor’s Cup ngayong taon

PBA, inilabas na ang schedule ng Governor’s Cup ngayong taon

IPINALABAS na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang schedule ng kanilang elimination round para sa Governor’s Cup ngayong taon.

Magsisimula ito sa Linggo, January 22 at ang opening sa tournament ay ang Meralco Bolts at Rain or Shine Elasto Painters.

Isasagawa naman ito sa PhilSports Arena sa Pasig.

Susundan ang game ng Bolts at Elasto Painters ng basketball match ng Converge Fiberxers at Northport Batang Pier.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring bisitahin ang official website at social media accounts ng PBA.

Samantala, ang Governor’s Cup ay matatapos bago ang pasisimula sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia na naka-schedule sa May 5 – 17, 2023.

 

Follow SMNI News on Twitter