Mga OFW na papunta at paalis ng NAIA, may 50% discount sa pamasahe

Mga OFW na papunta at paalis ng NAIA, may 50% discount sa pamasahe

MAY 50% discount sa pamasahe ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na papunta at paalis ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Isa sa mga pangamba ng ating mga OFW sa tuwing uuwi sila sa Pilipinas ay ang kaligtasan nila pagdating ng paliparan sa bansa, partikular na sa NAIA.

Hindi kasi lingid sa kaalaman ng mga kababayan natin sa abroad ang iba’t ibang mga isyu sa paliparan na nagiging viral sa socila media, isa na rito ang pagsasamantala  sa kanilang mga nasasakyang pampasaherong sasakyan na sobra kung maningil na ang madalas na nabibiktima ay ang mga OFW na umuuwi ng Pilipinas.

Kaya naman araw ng Martes ay inilunsad ang partnership sa pagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Lina Group of Companies, at UBE Express na layuning makatulong sa mga OFW members at makabawas sa kanilang gastusin.

Sa ilalim ng pagtutulungan ng OWWA at UBE Express, maaring makapag-avail ng 50% percent discount ang mga OFW/OWWA members sa oras na sila’y sumakay sa mga UBE Express Bus patungo o di kaya ay paalis ng NAIA.

Dahil sa 50% discounted rates, maaring makatipid ng mula P25 hanggang P150 ang isang OWWA member sa mga UBE Express Buses patungo at paalis ng airport!

May tatlong paraan upang ma-avail ng special discounted rates. Maaring sa pamamagitan ng pagbabayad ng cash/walk-in, beep card or online payment.

May mga Passenger Service Agents na idi-deploy ang UBE Express Inc., sa lahat ng kanilang point-to-point (P2P) terminals at curbside areas upang tulungan ang mga OFW/OWWA members na maka-avail ng special rate discount.

Kailangan lamang ibigay ng mga OFW ang kanilang buong pangalan para sa beripikasyon at discounted na ng 50% ang inyong biyahe sa UBE Express Bus

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble