TARGET ng “Block Out 2024” ngayon ang famous celebrities gaya nina Taylor Swift, Drake, Kim Kardashian at marami pang iba.
Ang movement na ito ay kaugnay sa umano’y disconnection ng marangyang Met Gala 2024 at ng kalunos-lunos na Israel-Hamas War.
Kung mapapansin, ilang buwan na ring hinihiling ng pro-Palestinian activists sa mga sikat na celebrity na ipinawagan nila ang pagkakaroon ng ceasefire sa Gaza Strip.
Sa panig ng isang propesor mula sa University of Essex, hindi rin magtatagal ang boycott movement na ito sa ilang celebrities.
Mainam na lang din kung hindi magsalita ang isang celebrity hinggil dito sa kabila ng Backlash dahil sensitibo ang usapin hinggil sa Israel-Hamas War.