VP Sara: Kabayanihan ng mga Pilipino noong WWII, magsilbing inspirasyon sa bawat isa

VP Sara: Kabayanihan ng mga Pilipino noong WWII, magsilbing inspirasyon sa bawat isa

TUWING Abril 9, ginugunita ng Pilipinas ang Araw ng Kagitingan. Ngayong taon ay ang ika-83 anibersaryo nito.

Ang Araw ng Kagitingan ay sumasalamin sa kabayanihan ng mga Pilipinong matapang na nanindigan sa kabila ng pagsakop ng mga Hapones noong World War II.

Sa kabila ng pagbagsak ng depensa ng bansa sa Corregidor at Bataan noong Abril 9, 1942 na nauwi sa Bataan Death March, hindi natinag ang diwa ng paglaban para sa kalayaan.

Ang araw na ito ay isang paalala ng kanilang sakripisyo para sa ating kasarinlan.

Isa si Vice President Sara Duterte sa nakiisa sa paggunita ng Araw ng Kagitingan.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni VP Sara na sa kasalukuyang panahon, kung saan maraming hamon ang sumusubok sa ating pagkakaisa at pag-unlad ng bayan, dapat aniyang magsilbing inspirasyon ang kabayanihan ng ating mga ninuno.

“Ngayong tayo ay nahaharap sa iba’t ibang hamon na sumusubok sa ating pagkakaisa at pagsulong, nawa’y ang kanilang kabayanihan ay magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Aniya, dapat ipagdiwang ang kanilang alaala sa pamamagitan ng pagtatag ng isang bansang kailanma’y hindi na muling daranas ng gayong pagdurusa.

Hinimok din niya ang bawat Pilipino na harapin ang mga hamon ng panahon nang may pagmamahal sa bayan at pananalig sa Diyos.

“Sa ating pagmamahal sa bayan at pananalig sa Diyos, harapin natin ang mga hamon, taglay ang paniniwalang nasa atin ang kapangyarihan para sa pagbabago at mas magandang bukas,” dagdag pa ni VP Sara.

Ilang kabataang Pilipino, ibinahagi kung paano nila naipapakita ang pagiging magiting

Pero sa kasalukuyang panahon, kung saan patuloy na humaharap ang bansa sa iba’t ibang pagsubok, paano nga ba ipinapakita ng mga kabataang Pilipino ang pagiging magiting?

“Napapakita ko po yung katapangan at kagitingan ko po by using my voice lalo na po ngayon during elections,” wika ni Cyril Espina.

“Bilang kabataan gusto ko pong gamitin yung platform ko, yung boses ko para ipalaganap o ipakita sa mga tao na hindi lang ponao basta bata lang. Mayroon din po akong sariling boses na ipakita sa kanila apektado din po ako sa mga nangyayari sa bansa natin. Kailangan din po marinig tayo ng gobyerno na magawa po nila yung trabaho nila para sa atin, maging maayos po ‘yung bansa natin,”  ani Espina.

“The only way na magagawa ko is paglaban sa fake news. Syempre alam naman natin na ‘yung fake news ay napakalawak sa social media natin ngayon. As 19 years old, ang kaya kong gawin is magcorrect ng mga fake news at pigilan pa ang spread noon lalo,” ayon kay Adrian Gomez.

“In that way nashoshow ko kung paano ako nagiging bayani para sa bayan kahi bata pa lang po ako,”  dagdag ni Gomez.

“Napapakita po siya mainly or madalas kapag nagvo-voice out ako sa social media. For example, ‘yung nga current issues. I use those platforms para magbigay ng suggestions or comments para doon sa certain issue na pinag-uusapan. In that way po nae-expand po ‘yung isang idea para ma-share ko po yung gusto kong iparating hindi lamang sa certain community pati na rin po sa mas malawak na connections,” wika ni Johnciz Ugali.

“As a criminology student, kailangan disiplinado ka talaga. Syempre may malasakit ka din sa kapwa mo,” wika ni Gerald Mark Alba.

“I show my courage to the world by encouraging my classmates as well as my colleagues sa work din na kilatisin ‘yung mga iboboto nila and malaman kung ano ‘yung makakaganda sa kanila,” saad ni John Roy Espina.

VP Sara, nakakuha ng mataas na marka sa pagiging matapang at mapagmahal sa bansa; Rating ni Marcos Jr., bagsak

Samantala, batay sa resulta ng PAHAYAG 2025 First Quarter Survey, kinilatis ng taumbayan kung sino sa mga pinakamataas na opisyal ng Pilipinas ang may katangiang pagiging matapang, pagmamahal sa bayan, at malasakit sa kapwa Pilipino.

Si Vice President Sara Duterte ay patuloy na nangunguna pagdating sa mga katangiang ito kung saan nakakuha siya ng pinakamataas na marka sa pagiging matapang.

Samantala, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nakakuha ng below 20% na rating sa pagmamahal sa Pilipinas, malasakit sa mga Pilipino, at pagiging matapang.

Si Senate President Chiz Escudero naman ay nakakuha ng below 15% sa parehong aspeto.

Habang si House Speaker Martin Romualdez ay nakakuha ng below 10% na rating sa pagiging matapang, pagmamahal sa Pilipinas, at malasakit sa kapwa Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble