Labor Attachés itinalagang manguna sa pangangalaga sa mga OFW

Labor Attachés itinalagang manguna sa pangangalaga sa mga OFW

KINILALA ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Board of Trustees, pinamumunuan ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ang opinyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa awtoridad ng Labor Attaché bilang pinuno ng Migrant Workers Offices (MWOs).

Sakop nito ang lahat ng tauhan ng MWO, kasama na ang OWWA Welfare Officer at ang OWWA Administrative Staff na naka-assign sa MWO.

Magiging responsable rin ang mga Labor Attaché sa pangkalahatang pangangasiwa at kontrol sa pagpapatupad ng mga programa, operasyon, at pamamahala ng MWO, kasama na ang Migrant Workers Resource Center (MWRC). Ang pang-araw-araw na operasyon naman ay pangangasiwaan ng deputy Assistant Migrant Workers Service Attaché.

Binanggit din sa opinyon ng DOJ ang “one country-team approach” na itinampok sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA No. 11641 o ang Migrant Workers Act.

Bagamat may pangangasiwa ang mga MWO sa kanilang mga tauhan, dapat silang kumilos bilang isang koponan sa ilalim ng pamumuno ng Ambassador o Consul General.

May mahalagang papel ang mga MWO sa pagtiyak na ang kapakanan at karapatan ng mga OFW ay protektado habang nagtatrabaho sa kanilang bansang pinagtatrabahuan.

Bilang overseas operating arm ng DMW, ipinapatupad ng mga MWO ang mga programa at patakaran sa paggawa ng Pilipinas na nagsusulong sa kapakanan ng mga OFW sa ibang bansa.

Sa kasalukuyan, mayroong 42 MWOs sa buong mundo, at may plano pang magdagdag pa sa hinaharap.

Nakasaad rin sa Migrant Workers Act na dapat magkaroon ng MWO sa bawat bansa kung saan mayroong Philippine consulate o embassy.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble