IKINAGAGALAK ng isang lider sa Kamara ang bunga ng mga economic laws na ipinasa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Partikular dito ang Foreign Investments Act o ang bagong Public Service Act.
Ayon kay House Committee on Economic Affairs chairman at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, napakaganda ng mga batas na inaprubahan ni Pangulong Duterte dahil mas naging attractive ngayon ang Pilipinas para sa mga dayuhang mamumuhunan.
Kabilang sa mga bunga nito ay ang pagpahayag ng interes ng tanyag na bilyonaryong si Elon Musk ng Tesla, SpaceX at Starlink na mag-invest sa Pilipinas.
Ayon kay Garin, asahan na bukod kay Musk at sa Starlink na papasok sa Pilipinas para mapabuti ang internet services sa bansa ay mas marami pang foreign investors ang papasok sa bansa dahil sa mas pinaluwag na economic restrictions.
BASAHIN: Pangulong Duterte, handang harapin si Senator Gordon sa isang public debate