NAGKASUNDONG patatagin ang kooperasyon ng Indonesian Navy at Philippine Navy.
Isinagawa ang ika-13 Navy-to-Navy Cooperation Meeting sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa bansa.
Pinangunahan ito nina Philippine Navy Chief of Naval Staff Commodore Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, at Vice Assistant Chief of the Indonesian Navy for Operations First Admiral Retiono Kunto.
Nagkasundo ang dalawang bansa na patatagin ang kanilang kooperasyon sa pamamagitan ng high-level meetings, bilateral at multilateral naval exercises, naval operations, at education and training exchanges.
Maituturing itong milestone sa relasyon ng Indonesia at Pilipinas na nakasentro sa rules-based order at pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Taong 2010 nang magsimula ang Navy-to-Navy dialogue na binibigyang-diin ang bilateral defense ties sa pagitan ng dalawang ASEAN countries.