GANAP na 5:45 am ng Huwebes, Pebrero 29, 2024 nang tuluyang narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) Public Affairs Service (CGPAS) ang full access nito sa kanilang official Facebook Page.
Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, tatlong hackers ang nadiskubre ng kanilang tanggapan sa pakikipagtulungan sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nakilala ang mga hacker na may Facebook names na Fatima Hasan, Murat Kansu, at Vicky Bates kung saan gumamit ang mga ito ng malware para mapasok ang security page ng FB account ng PCG noong Lunes, Pebrero 26, 2024.
Sa darating na Marso 1, 2024, isang comprehensive hardware check ang gagawin ng CICC sa lahat ng office laptops at computers ng CGPAS personnel.