AirAsia, nag-aalok ng 25% discount sa pamasahe sa lahat ng flight; 7 milyong upuan ang available

AirAsia, nag-aalok ng 25% discount sa pamasahe sa lahat ng flight; 7 milyong upuan ang available

BITIN ba ang bakasyon mo nitong holiday season? O baka naman hindi ka pinayagan ng boss mo? At ngayon ang tamang panahon para mag-explore! Tamang-tama dahil simula ngayong Enero, nag-aalok ang AirAsia Philippines ng kapana-panabik na travel sale na may 25% off sa lahat ng upuan at flight.

Nagsimula ang booking period mula nitong Enero 6-12, at ang travel period ay mula Enero 20-Nobyembre 25, 2025.

Samantalahin ang pagkakataong maglakbay patungo sa Boracay, ang Top Domestic Destination ng AirAsia Philippines, na kilala sa magagandang beach at masiglang kapaligiran.

AirAsia Philippines:

Promo booking period:  January 6-12, 2025

Travel period:                    January 20-Novemeber 25, 2025

Seats available:                 7 million

Maaari ring mag-book ng flight patungo sa iba pang domestic destinations tulad ng Bacolod, Bohol, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Kalibo, Puerto Princesa, Roxas City, at Tacloban.

Para sa mga gustong maglakbay sa ibang bansa, maaaring pumili mula sa mga sikat na destinasyon gaya ng Taipei, Bangkok, Hong Kong, Kota Kinabalu, Osaka, Seoul, Kaohsiung, Tokyo, at Macau.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter