Alex Eala, exit na sa Spain ITF

Alex Eala, exit na sa Spain ITF

NAG-exit na sa doubles quarterfinals ng ITF Women’s World Tennis Tour Event sa Spain ang Pinay player na si Alex Eala.

Kasunod ito ng pagkatalo nila ng kaniyang Indonesian partner na si Beatrice Gumulya laban sa tandem nina Alana Parnaby ng Australia at Victoria Rodriguez ng Mexico.

Hindi na rin uusad sa singles competition si Alex Eala matapos natalo siya ni Destanee Aiava ng Australia noong Hunyo 20.

Subalit sa kabila nito ay sasabak na naman si Eala sa ibang ITF Tournament sa Spain ngayong Huyo 26 na isasagawa sa Asociacion De Tenistas Palmenos Polideportivo Courts.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter