Alex Eala, nasungkit ang ikalawang ITF doubles titles sa France

Alex Eala, nasungkit ang ikalawang ITF doubles titles sa France

BAGAMAT hindi naging maganda ang resulta ng kampanya ng Filipina tennis star na si Alex Eala sa Miami Open, tila nakabawi naman ito sa ITF W75 Open sa Croissy-Beaubourg, France.

Nagawa kasing masungkit ni Eala kasama ang partner na si Estelle Cascino ng France ang titulo sa Women’s doubles.

Tinalo nila sa mahigpit na laban ang tambalang Jessika Ponchet ng France at Maia Lumsden ng Great Britain sa iskor na 7-5 at 7-4 tie breaker points.

Nitong Enero, nasungkit ni Eala ang first doubles title sa ITF W50 Pune sa India kasama si Darja Semenistaja ng Latvia.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Eala sa lahat ng sumuporta sa kaniyang laban.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter