Alyssa Valdez, tuluyan nang naka-recover sa knee injury

Alyssa Valdez, tuluyan nang naka-recover sa knee injury

TULUYAN nang naka-recover mula sa knee injury ang outside hitter na si Alyssa Valdez matapos ang halos 7 buwan na pagpapahinga.

Sa naging pahayag ni Valdez, sinabi niya na tuluyan nang gumaling ang knee injury matapos niyang mapasa ang hop test niya.

Dagdag pa ni Valdez, nakakasabay na rin siya sa ilang training ng koponan na Creamline ilang linggo na ngayon at unti-unti rin niyang kinokondisyon ang sarili upang tuluyan nang makapaglaro.

Ngunit sinabi niya, bagaman physically conditioned na siya, pinagsisikipan pa rin niya na maging mentally fit matapos ang insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter