NAKUMPLETO na ng pamahalaan ang deportasyon para sa apat na pugante na hiniling ng Japan Embassy na maibalik sa kanila.
Sakay sila kagabi ng Japanese Airlines, gwardyado ng mga Japanese police at nakasuot ng bullet proof vest.
Tuluyan na silang nadeport matapos madismiss ang kanilang kasong Violence Against Women ng Pasay RTC.
Natuklasan din na ang mga kaso nila rito sa bansa ay gawa-gawa lamang para sila ay hindi mailabas at maibalik sa Japan.
Noong nakaraang araw ng Martes nang maideport ang unang batch ng Japanese fugitives.
Ito ay sina Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto pagkaraang nadismiss din ang kanilang mga kaso dito sa bansa.
Sinasabi na ang isa sa mga nadeport araw ng Myerkules ay siyang si Luffy na mastermind diumano sa mga robbery sa Japan.
Naging mabilis ang deportasyon ng apat.
Sa loob lamang ng 12 araw ay nakumpleto ang deportasyon ng mga ito pagkaraang hilingin ng Japanese Embassy na maibalik sa kanila ang mga pugante.
Ang deportasyon ng mga ito ay nakumpleto kasabay ng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan para maka-attract ng investors.
Samantala, ang mga nadiskubreng cellphones, tablets at iba pang gadegts sa mga apat na pugante ay sabay na itinurn over na rin sa Japanese counterparts.
Sa ngayon, ang BI ay umaaksyon na para mapanagot ang mga BI personnel na kasabwat ng mga pugante sa pagpapasok ng mga kontrabando sa loob ng detention facility ng mga ito.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, dadaan pa rin sa due process ang pagpapanagot sa mga ito.
Mayroong sinasabing 36 BI personnel ang isinasalang sa imbestigasyon.