PATUNGONG Land of the Rising Sun si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang delegasyon nito na magsisimula sa Pebrero 8-12.
Ito ay upang ipakilala ang sarili at makapagpanday ng mabuting relasyon saan man panig ng mundo ito pupunta.
At isa ang bansang Japan sa kinikilala ng Pilipinas na mahalagang kaalyado hindi lamang para makapanghikayat ng mga negosyante.
Ayon kay Foreign Affairs Asec. Neal Imperial ng Office of the Asian and Pacific Affairs itinuturing ng administrasyon na mahalaga ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa bansang Japan.
‘’The Department of Foreign Affairs considers the president’s visit to Japan as consequential. Japan is the first country with which the Philippines has forged a strategic partnership and is only one of two strategic partners of the Philippines the other one being Vietnam. Japan is the only country with which the Philippines has a bilateral free trade agreement called the Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA),’’ ayon kay Asec. Imperial.
Magkakaroon ng pagkakataon si Pangulong Marcos upang muling makapulong si Japanese Prime Minister Fumio Kishida limang buwan mula nang unang magkita sa sila sa Estados Unidos.
Inaabangan naman ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Marcos kay Emperor Naruhito at Empress Masako.
Ang official working visit ng Pangulo ay nilalayong maipakita ang magandang relasyon ng Pilipinas at Japan.
‘’The official working visit is expected to reaffirm the strong and vibrant relations between the two countries. It also seeks to maximize the full potential of Ph-Japan strategic partnership in all its aspects and facilitate closer defense, security, political, economic, and people to people ties,’’saad nito.
Inaasahan din ang mga nakatakdang pagpupulong ni PBBM sa mga matataas na business leader ng Japan upang makapanghikayat ng maraming puhunan na magbibigay ng maraming trabaho at iba pang oportunidad para sa mga Pilipino.
Una nang sinabi ng DFA na malaking business delegation ang inaasahang sasama kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagbisita sa Japan.