Apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, mahigit na sa 9,700 pamilya

Apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, mahigit na sa 9,700 pamilya

PUMALO na sa 9,776 pamilya o tinatayang 37,944 indibidwal ang naitalang apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Batay ito sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, Hulyo 4.

Sa nasabing bilang, 20,144 indibidwal ang nananatili sa 28 evacuation centers.

Samantala, pumalo na sa mahigit P132-M ang naipamahaging tulong sa mga apektado.

Sa ngayon ay nanatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kung saan naobserbahan ang mabagal na pagdaloy ng lava mula sa crater ng bulkan na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-Isi Gully at 1.3 kilometro sa Bonga Gully, at pagguho ng lava hanggang 3.3 km at 4 km sa Basud Gully.

Follow SMNI NEWS in Twitter