MULING isinusulong ng aktor at ngayo’y Quezon City 1st District Representative na si Arjo Atayde ang pagtatayo ng National Cancer Institute of the Philippines.
Inihain na ni Arjo ang kaniyang House Bill No. 3079 noong August 2022 subalit kasalukuyang hindi pa ito gumugulong sa Kamara pagkatapos ang first reading.
Ayon sa actor-congressman, nais niyang mas dumami pa ang cancer survivors sa bansa kung kaya nararapat lang din na magtayo ng pasilidad na tututok dito.
Samantala, kamakailan ay binisita ni Arjo ang cancer patients sa East Avenue Medical Center at Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.