PATULOY ang ginagawang assessment ng Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na maaring maisama bilang areas of concern ngayong 2022 elections.
Ito ay matapos ihayag ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos na dalawang lugar sa Lanao del Norte ang napabilang sa mga itinuturing na areas of concern ng pulisya.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, maaaring magbago ang listahan ng areas of concern dahil tuloy-tuloy ang ginagawang assessment ng PNP.
Partikular aniya nilang tinututukan ang mga lugar na nasa “red category” kung saan may mataas na banda sa seguridad.
Una nang tiniyak ni Carlos ang kanilang kahandaan sa latag ng seguridad upang matiyak ang maayos na halalan sa bansa.