NAGSAGAWA ng Psychological First Aid at Spotting Red Flag lecture ang Mental Health Resiliency Center ng 4th Infantry “Diamond” Division sa Malaybalay City, Bukidnon.
Nasa 32 estudyante ng 4th Division Training School at 42 estudyante ng 4th Military Intelligence Battalion ang dumalo sa lecture.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong bigyan ang mga sundalo ng kaalaman kung paano haharapin ang psychological problems.
Naging paksa rin ang Stress Management, Effective Communication, Fundamental Interactive Communication Skills, at Suicide Awareness.
Iginiit ni 4ID Commander Major General Wilbur Mamawag na patuloy silang nagsisikap na higit pang palakasin ang adbokasiya sa mental health awareness, paigtingin ang mga programa sa pagbibigay ng psychological support at mapanatili ang moral at kapakanan ng mga sundalo.