Bagong atraksiyon sa kampo ng 5ID, binuksan na sa publiko

Bagong atraksiyon sa kampo ng 5ID, binuksan na sa publiko

BUKAS na sa publiko ang 5ID Rangers’ Park na isang bagong pasyalan at atraksiyon na matatagpuan sa Camp Melchor F. dela Cruz sa Upi Gamu, Isabela.

Sa ginanap na inagurasyon, naging panauhing pandangal sa naturang aktibidad si Retired PLtGen. Ricardo F. de Leon na kasalukuyang director general ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ayon kay De Leon na ang naturang parke ay hindi lang isang karagdagang pasilidad, kundi isang paraan upang maipakita sa mga sibilyan na hindi lang sa panahon ng pakikibaka maaasahan ang mga sundalo at simbolo rin aniya ito kung paano nag-aalay ng serbisyo at nagsasakripisyo ang mga sundalo.

Nagpasalamat naman si MGen. Audrey L. Pasia, commander ng 5ID sa mga kasundaluhang nangasiwa sa pag-aayos at pagpapaganda sa naturang parke na siyang sumasalalim sa dekalidad at tapat na serbisyo ng tropa ng 5ID.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble