Bagong La Mer en Majesté Crown ng Miss Universe PH, inilabas na

Bagong La Mer en Majesté Crown ng Miss Universe PH, inilabas na

IPINAKITA na ng Miss Universe Philippines Organization ang kanilang bagong korona, na tinawag na La Mer en Majesté Crown, nitong Martes ng gabi Abril 19 sa MUPH 2022 Gala Night sa Hilton Manila, Pasay City.

Naghandog ng bagong korona sa mga panauhin ng Gala Night sina Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at Miss Universe Philippines 2011 at MUPH National Director Shamsey Supsup.

Sinabi ng organisasyon na ang bagong korona ay nilikha sa pakikipagtulungan sa international jewelry brand na Jewelmer.

Bukod sa mga crystal ng korona, highlights din nito ang South Sea Golden Pearl.

Tinaguriang pambansang hiyas ng bansa ang gintong perlas na sumisimbolo sa maayos na relasyon sa pagitan ng tao at kalikasan na taglay ang diwa ng mga Pilipino.

Sa mga nakaraang edisyon, ginamit ng Miss Universe Philippines ang Filipina crown na ginawa ng isang Villarica Pawnshop na may disenyong kahawig ng watawat ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter