Miss Universe PH organization, pinangalanan ang 4 na panalo sa interview challenge

Miss Universe PH organization, pinangalanan ang 4 na panalo sa interview challenge

PINANGALANAN ng Miss Universe Philippines (MUPH) organization ang apat na kandidata na nanguna sa interview challenge ng beauty pageant, ang huling online challenge para sa taong ito.

Sa Instragam page ng MUPH, ito ay sina Julia Saubier ng Albay, Jeanne Nicci Orcena ng Davao Del Norte, Aidyl Mhay Sanchez ng Guiguinto, Bulacan, at Vanessa Ann Caro ng Iloilo province.

Nauna nang inanunsyo ng MUPH ang mga nanalo para sa iba pang hamon nito si Isabel Luche ng Mandaue City, Pauline Amelincx ng Bohol, Ma. Katrina Llegado at Ghenesis Latugat ng Baguio.

Ang bagong Miss Universe Philippines, kasunod ng reigning queen na si Beatrice Luigi Gomez, ay kokoronahan sa April 30 sa Mall of Asia Arena at magiging host sa coronation night ang Miss Universe titleholders na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere at Demi-Leigh Tebow.

Follow SMNI NEWS in Twitter