5 lungsod sa Metro Manila, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19

5 lungsod sa Metro Manila, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19

WALANG naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang 5 lungsod sa National Capital Region (NCR) ayon sa OCTA fellow.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), ang Pasay City ay nakapagtala ng 24 na bagong kaso ng COVID-19 na sinundan ng Taguig na nakapagtala ng 10 impeksyon.

Nakapagtala ang Maynila ng 9 na kaso, 7 sa Quezon City, 6 sa Caloocan City, 4 sa Makati City, 3 sa Parañaque City at 2 sa Las Piñas City.

Samantala, nakapagtala ang mga lungsod ng Mandaluyong, Marikina, San Juan at Pateros ng 1 karagdagang kaso ng COVID-19.

Wala namang naitalang kaso ng COVID-19 sa mga lungsod ng Malabon, Muntinlupa, Navotas, Pasig at Valenzuela.

 

Follow SMNI News on Twitter