PUMALO na sa kabuuang 2,666,033 pasahero ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng MRT-3 simula April 4 hanggang April 12, 2022.
Ayon sa MRT-3 management, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga komyuter noong Biyernes, April 8 kung saan 335,993 pasahero ang napagserbisyuhan ng MRT-3.
Nasa ikatlong linggo na ngayon ang programang libreng sakay ng MRT-3, na magtatagal hanggang sa April 30, 2022.
Upang mas maraming pasahero ang mapagserbisyuhan ng linya, sinimulan na rin ng pamunuan na mag-deploy ng isa pang 4-CAR CKD train set, pandagdag sa 18 3-CAR at dalawang 4-CAR CKD train sets na tumatakbo sa mainline.