Bagong mukha ng one-stop-shop platform ng gobyerno para sa mga nais magnegosyo, ilulunsad ngayong araw

Bagong mukha ng one-stop-shop platform ng gobyerno para sa mga nais magnegosyo, ilulunsad ngayong araw

NGAYONG araw ay ilulunsad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Information and Communication Technology (DICT), Anti-Red Tape Authority (ARTA), Security and Exchange Commission (SEC) ang Philippine Business Hub (PBH) one-stop-shop platform.

Ang naturang launching ng PBH ay gaganapin sa Quezon City Hall ng alas-9 ngayong umaga.

Kung saan, ang dating Central Business Portal ay mayroon ng bagong mukha.

At sa pamamagitan nito ay mapabibilis na ang pagrerehistro ng mga negosyo, kung dati rati ay aabutin pa ng 33 araw, ngayon ay nasa 7 na araw lamang.

Ang paglunsad ng (PBH) ay magiging one-stop-shop platform para sa iba’t ibang business related transactions na makatutulong na mapabilis ang iba’t ibang transaksyon.

Layunin ng iba’t ibang pamahalaan na bawasan pa ang panahong ito sa isang araw bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kasabay nito, magiging katuwang din ang iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, Department of Finance, Department of the Interior and Local Government, LandBank, Bureau of Internal Revenue, FDA at ang Cooperative Development Authority.

Matatandaang, sa ika-anim at huling SONA ng Pangulo, nanawagan ito sa mga susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang paggamit ng PBH.

Kung saan, ang naturang PBH ay isang website lang ang gagamitin  para sa lahat ng mga transaksyon katulad ng pag-secure ng mga business permit, lisensya, at clearance.

 

Follow SMNI News on Twitter