PLANONG maglagay ng LED TVs ang Philippine National Police (PNP) sa mga malalaking venue sa araw ng inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa Hunyo 30.
Tulad ng Philippine Arena sa Bulacan at Mall of Asia sa Pasay City.
Ayon kay PNP Director for Operations Valeriano de Leon, ito’y para hindi lang sa National Museum sa Maynila magsipuntahan ang maraming mga Pilipino.
Sa tansya, hanggang 70, 000 katao ang maaaring ma-accommodate ng Philippine Arena.
Kakasya rin ang aabot sa 100, 000 pa ng mga tao sa labas ng venue.
Maliban sa Philippine Arena, tinitingnan din ng PNP ang Philippine Sports Center ng Pasig City; North Luzon Express Terminal ng Bulacan; at Mall of Asia ng Pasay City.
Nilinaw naman ni De Leon na makikipag-usap pa siya hinggil sa ideyang ito kay PBBM.