INANUNSIYO na ng Manila Water at Maynilad ang kanilang magiging panibagong water rates simula Enero 2025.
Para sa consumers ng Manila Water na nasa ilalim ng ‘lifeline rate’, madadagdagan ng P2.87 ang kanilang monthly water bills.
Ibig sabihin, nasa P91.40 ang maidadagdag sa makukunsumo nilang 10 cubic meters ng tubig o mas mababa pa.
Sa mga regular consumers, nasa P24.68 ang increase kung kaya’t ang magiging monthly bills nila ay tataas ng P254.83 kumpara sa P230.15 simula Enero 2025.
Sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meters, magiging P563.46 na ang kanilang monthly bills dahil sa dagdag na P54.79.
Sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters, aabot na sa P1,148.73 ang kanilang bills.
Samantala, ang low-income households na kumukunsumo ng 10 cubic meters sa ilalim ng Maynilad, aabot na sa P151.04 ang kanilang monthly bills mula sa kasalukuyang rate na P140.48.
Sa regular residential households na kumukunsumo ng 10 cubic meters, aabot na sa P181.59 ang kanilang monthly bills.
Sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meters, mula sa P606.78 ay magiging P682.66 na ang kanilang babayaran bawat buwan.
Sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters, aabot na sa P1,394.69 ang kanilang monthly bills.