Bagsakan ng bulaklak sa Dangwa, unti-unti nang dinadagsa ng mga tao

Bagsakan ng bulaklak sa Dangwa, unti-unti nang dinadagsa ng mga tao

UNTI-unti nang dumadagsa ang mga tao sa bagsakan ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila.

Ayon sa mga vendor na nakapanayam ng SMNI News, mula pa aniya kahapon ay matumal ang kita ngunit inaasahan nila mamayang hapon at bukas, dadami ang mga mamimili ng bulaklak.

Ang presyo naman ng mga bulaklak sa Dangwa ay depende sa uri at laki nito.

Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa:

Waling Red – 150/Doz.

Radus White – 100/Doz.

Radus Yellow – 120/Doz.

Jaguar – 150/Doz.

Assorted – 150/Doz

Green Buttons – 120/Doz.

Sunflower – 700/10 Pcs.

Red Rose- 400/10 Pcs.

Rose Carnation – 250/10 Pcs.

Flower Basket

1,000 – Special Basket

400 – Tupiari

150 – Ordinary Basket

Ayon naman sa mga costumer, may kamahalan ang presyo ng bulaklak ngayong taon ngunit ganun paman hindi nila ito iniinda dahil minsan lang sila makabisita sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kamakailan ay nag-ikot sa Dangwa ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa surprise inspection sa mga presyo ng mga bulaklak ilang araw bago ang Undas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter