IPINANGAKO ng Asian Development Bank (ADB) na susuportahan nila sa pinansyal na aspeto ang bansang Sri Lanka.
Kinumpirma ito ni ADB President Masatsugu Asakawa matapos nagkaroon ng krisis ang bansa.
Nauna nang naka-avail ngayong buwan ng emergency loan ang Sri Lanka at nagkakahalaga ito ng 200 million dollars.
Ginamit ang loan upang matiyak pa rin na magkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain ang mga taga-Sri Lanka.
Naniniwala rin si Asakawa na nakipag-usap na ang Sri Lanka sa International Monetary Fund para sa isang loan na nagkakahalaga ng 2.9 billion dollars.